Saturday, November 14, 2020

Fundraising Activities

#CagayanNeedsHelp

Eto na ang pangalawang araw ng mga fundraisers ng mga roleplayers mula sa Pilipinas at patuloy pa rin ang mga ito sa pangangalap ng mga podo para maidonate o maitulong sa mga taong nangangailangan nito.


#NewsUpdate

Disclaimer: Ang inyong mga mababasa ay galing sa aking sariling pagkakaintindi o own understanding sa aking napapanood sa telebisyon at nababasa sa social media. Maiging i-verify nyo ito sa mga reliable sources. Maraming salamat sa pag-unawa! Let us not spread fake news.

Patuloy pa rin ang rescue operations sa Cagayan, pati na rin sa Pampanga. Ang mga narescue ay namamalagi sa mga evacuation center o mga matataas na lugar. Ang ibang lugar na tinutuluyan ng mga narescue ay ang mga lugar na may 'Adopt a Neighbor' kung saan, ang mga taong nasa matataas na lugar ay mahpapatuloy ng mga narescue sa kanilang mga tirahan.

Buhayin ang pagiging makabayan at makabansa.

Ang mga fundraisers ng roleplayers ay patuloy sa paglago, at ang mga nalikom na pondo ay idodonate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Ang iba ay mapupunta sa Cagayan, ang iba ay mapupunta sa Pampanga, and the rest ay mapupunta sa Marikina.

Maaari po nating suportahan ang mga fundraisers na ito sa pamamagitan ng pagdodonate ng barya o sa pamamagitan ng pag-aavail ng mga inoofer nila. Bisitahin ang unang blog ko para malaman ang mga binebenta ng mga roleplayers na ito (#CagayanNeedsHelp).

 

 

#SellingForACause

Heto ang ilan sa mga umuunlad na fundraisers ng mga roleplayers. Maari nyong iclick ang text na may hyperlink upang maidirekta kayo sa kanilang mga shops o post tungkol sa mga ginagawa nila para may maitulong. Bibili kayo o bibili? Charot lang.


Ito ay isang fundraiser na binubuo ng mga kilalang mga sisterhood, brotherhood, sisbrohood, writerhood, at iba pang mga hood. Nagsimula ito magfundraising noong kasagsagan ng Bagyong Rolly (Nung may mga nasirang ari-arian at nasunugan sa Bacoor, Cavite).


2.  Beat of Hearts

#BeatofHeartsHotline o BOH Hotline. Ang fundraising na ito ay isang pangmalawakang collab ng mga hoods, familia, at squads. Sa fundraising na ito, maaari mong makausap ang isa sa mga participant sa fundraising na ito sa loob ng isang oras. Maaari nyong pag-usapan ang iba't ibang bagay at ang mga sinabi mo ay mananatili sa loob ng call. Ang mga sasagot ng tawag ay hindi magpapakilala at gagamit lamang ng mga codenames. Iclick aang hyperlink para sa iba pa at karagdagang impormasyon.


3. Glow Shop  
Ito ay isang shop na naglalayong tulungan ang mga roleplauers na may financial problems, o tulungan na kumita ng pera ang iba, sa madaling salita. Sa kaßalukuyan, ito ay magkakaroon rin ng isang fundraising para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses. Si Wound Amadeo ang may-ari nito. Ang iba pang detalye ay nasa page ng glowshop. Muli, iclick ang mga hyperlink para maidirect kayo sa mga post/shop.

 

 

Ito ay isang fundraiser na pinangungunahan nila Felicity Moon (Mixon SH), Claude Amsel (Amsel BH), at Theo Adheres (Adheres BH (ata?)). Gaya ng mga naunang fundraiser, naglalayon ito na tulungan ang mga naapektuhan ni Typhoon Ulysses. Maari kayong magdonate ng kahit anong halaga sa mga prinovide nilang MOP. Makikita ang mga ito sa Abour ng group page.



 

#BakaRoleplayersTalagaAngPag-AsaNgBayan

Yan ang ilan sa mga nangungunang fundraiser sa mundo ng mga roleplayers. Kung may nais kayong ipafeature o idagdag sa mga blog na isinusulat ko ay maaari kayo magcomment sa comment section ng Blogger. I would gladly add them as well. Magtulungan tayo.

--

This blog is open for criticisms and corrections. I only posted this to help advertise and help my fellow rp'iers. I will delete this if it needs to be taken down. 

This blog post is also based on my opinions and minor research. Please be advised that you should try to get information from reliable sources. Maraming salamat sa pag-unawa at pagbabasa ng aking munting blog tungkol sa ating mundo. Sana ay suportahan nyo ang susunod ko pang mga blogs.

-- 

Stay safe and kain,
SheIsVainHerself.

PS. Maaari nyo akong tawaging Ate Siv. Shoutout to Amadeo and Constello BHood.
       Kasi silent reader ako ng ilan sa inyo. Keep bleeding. Padayon at usad, rpiers!!



No comments:

Post a Comment